Gusto kong huminto ang oras.
”Gusto kung huminto ang oras, kahit saglit lang”, naibulong ko sa aking sarili. Madaming dapat gawin ngunit wala akong gustong simulan.
Mahirap pala maging graduating student. Akala nung una, kapag isa kang graduating student sa high school ay pachill chill ka na lamang katulad nung grade school. Yun pala malaking akala lang pala yun.
Ang daming ginagawa tapos ang dami pang ipapagawa. Hindi mo pa nga napapasa yung mga pinapapass na project eh mayroon nanamang bago. Okay din sila eh no? Sila kaya gumawa lahat nito? Oo, alam ko mareklamo ako. Pero sa loob ko naman naiintindihan ko naman yung mga dahilan kung bakit nila pinapagawa yung mga yun. Sadyang gusto ko lang magreklamo.
Nahihirapan na kasi ako e. Nahihirapan akong magsimula. Nahihirapan na akong magisip kung ano ang dapat unahin. Bawat patak ng oras na nagdaraan kasi nababawasan din yung oras ng pagiging highschool student ko. Ang saklap lang kasi e.
Dati sabi ko sa sarili ko, “Sana magcollege na ako! Sigurado namang hindi ko mamimiss yung buhay highschool.” Pero nung una kong narinig yung piano nung Graduation song namin, parang bumalik lahat ng alaala na masasaya at meron ding malungkot sa buhay highschool ko. Ang saya pero sobrang nakakalungkot kasi ilang araw na lang eh makakatanggap na kami ng diploma at iiwanan na namin ang school namin. Magkakaroon na kami ng kanya kanyang kurso.
Ngayon sabi ko, “Sana parang computer shop lang ang buhay ko ngayon, para pwede kung sabihin na ‘Kuya! Paextend pa!’ ng high school ko.
Ayaw ko namang bumagsak at bumalik ng high school. Ang saklap lang talagang isipin na hindi na ako magiging katulad ng dati. Wala ng school service. Wala ng mga kalokohan na katulad ngayon. Pero sa kabila ng mga wala na mga nabanggit ko e, meron pa ding alaalang maitatanim ko sa puso at isipan ko. Malungkot man o masaya mananatili ang mga alaala kong iningatan ng apat na taon.
”Gusto kung huminto ang oras, kahit saglit lang”, naibulong ko sa aking sarili. Madaming dapat gawin ngunit wala akong gustong simulan. Gusto ko pang manatiling isang high school student kahit saglit lang.
