September 2011
TAMA talaga. NA kahit gaano pa karaming artista, manlalaro o kung sinu sino pa ang magangat sa ating BANSA, patuloy pa rin itong mababahiran ng mabahong politika.
at mahirap magmove on. Lalo na kung hindi man lang naging kayo.
You want to join, Like lang to :)
Like lang to. Open sa lahat basta,
- Yung pwedeng maging kaibigan
- Laging Active
- BASTA YUNG MASARAP KAUSAP
REBLOG na lang :) GAME!
Nilinaw ko naman sa’yo na, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko e. Pero bakit pinapahirapan mo ako ng ganito? At mas lalong hindi ako nagpapakita ng kahit anong motibo. Akala mo siguro, oo akala mo lang, na ikaw lang yung nahihirapan. Hirap ka nang maghintay di ba? Pero sana naman huwag mo akong idamay. Kasi hindi na ako nangako sa iyo ng kahit ano at lalong hindi ko ipinagkaloob sa iyo ang puso ko. Ang gulo mo lang e. Alam ko nakakakitid ng utak iyon pero wala kang karapatan na magalit sa akin, kasi ayaw mo yung ginagawa ko. Hindi ko naman kasi kailangan magpaimpress sa iyo e at wala akong balak. Hindi nakakaimpress ang mga ginagawa mo e. Nakakasakit lang. Sinasaktan mo ang sarili mo e, pero alam mo, mas masakit ang ipinaparamdam mo sa akin. Ipinaparamdam mo na hindi ka karapatdapat. Para sa iyo biro lang ang lahat pero para sa akin, ewan. Sakit e. Ikaw pa naman na pinagkakatiwalaan ko, ikaw din na sumira ng tiwalang yun. Sayang naman ang pangalawang pagkakataon na ibinigay ng Diyos para sa atin. Nakakalungkot.
Mahilig tayo magdumi. Oo, tama, magdumi nga. Hindi yung iniisip mo. Pero ito, pansin mo ba, kapag may ikinais ka sa isang tao madalas ay galit na ang kasunod nito. Yung kakaunting dumi sa kanyang pisngi ay ibabahid mo sa kanang buong pagkatao. Ang ibig ko lang iparating ay yung, *Oo, may nagawa siyang mali, pero sana naman huwag mong isipin na lahat na ng gagawin niya ay mali!*Gets mo ba ako? Ang wirdo lang kasi e. Imbis na itama ang kanyang mali e lalo mo pang dudungisan ang pagkatao niya. Ganito kasi siya, kesyo ganyan. Huwag ganon pre!
Isipin mo na lang, kung ikaw kaya ang ganonin? Matripan mo pa kayang maglinis? Kahit sa bawat kuskos ng iyong mga mali, puro dumi pa rin ang mangingibabaw sa mga mata ng ibang tao.