June 2011
Wagas ang araw na ito, wagas sa kainitan ng panahon. Nakakairita, hindi ako mapakali sa sobrang init. Epekto ba to ng GLOBAL WARMING?!
Ako’y bagong lipat lamang sa San Fernando City, kaya kailangan ko din ng bagong service papuntang school. Kaya ayun, bago din pati service. Bago pati mga kaservice, driver, at mismong sinasakyan namin malamang, bago sa paningin ko. Unang araw tahimik pa ako, pero sa kalaunan lang un. ‘Di ko pa kasi sila kakilala e, sa kasunod na araw ay nalaman kung ang kaklase ko ay kaservice ko din pala. Kaya bongga sa tuwa.
Pero isang araw may napansin ako, isang sophomore student, na wagas kung manlait. Ewan ko nga ba kung bakit ganon kawagas, samantalang mas matanda pa ang nilalait niya. Hindi naman ganon kasama yung ginagawa niya e, alam mo ba kung ano lang yung ayaw ko? Kapag siya yung nilait, ayaw na niya. Akala niya kasi wala siyang kapintasan.
Ganon ba talaga ang mga tao? Ginagawa nila sa iba , ngunit ayaw nilang mangyari sa kanila? Bakit ganon na lamang ang reaksyon ko dito? Ewan ko din. Pero masakit sa mata ang nakikita kung ganon na pangyayari.
Simpleng bagay lang iyon, ngunit malaki ang nagagawa, lalo na kapag may napinsalang ibang tao o bagay na maaring makaapekto sa marami.
Madalas ay ganyan ang title ng post ko kapag wala akong maisip, hindi dahil weird talaga ang ikkwento ko o isshare ko dito. Habang halos lahat ng estudyante na graduating na katulad ko na busy sa pagffill up ng form, ako ay pachillax chillax lang. Haha,ewan ko nga bakit ganon. Wala na ata akong balak magaral. Haha
- Bruno Mars: I wanna be a billionaire so freaking bad.
- Girl: Yeah, me too... I need new clothes.
- Bruno Mars: No you don't. Cause girl your amazing just the way you are.
- Girl: really? You're like the only one who thinks that. Will you marry me?
- Bruno Mars: No, but I'll catch a grenade for ya.
- Girl: Really? Even today?
- *Girl gets hit by grenade*
- Bruno Mars: Today I don't feel like doing anything.
